Mapapanood n'yo na ang 'Little Nanay' sa Nobyembre.
By AL KENDRICK NOGUERA
Ngayong araw nagsimula ang taping ng pinakaaabangang GMA Telebabad show na Little Nanay na mapapanood sa darating na Nobyembre.
Bigatin ang mga artistang kasama sa cast tulad ng veteran actors na sina Nora Aunor, Eddie Garcia at Bembol Roco. Bukod sa kanila ay kasama rin sa show sina Keempee de Leon, Gladys Reyes, Mark Herras, Hiro Peralta, Renz Fernandez, Juancho Trivino at Sunshine Dizon.
Dagdag pa sa cast ay sina Kris Bernal at Chlaui Malayao na gaganap bilang mag-inang sina Tinay at Chichie.