Jewel in the Palace: Ang kapalaran ng ama ni Jang Geum | Week 1

Sa unang linggo ng iconic Koreanovela na Jewel in the Palace, tinanggal ng hari sa tungkulin si Queen Yiun. Hindi siya ipinapatay ng hari dahil ito pa rin ang ina ng crown prince na si Yeonsangun, na magiging pinakamalupit na hari sa kasaysayan.
Pero dahil sa matinding pressure mula sa matataas na opisyal at mayayamang pamilya na i-execute ang reyna, ipinag-utos ng hari ang pagpatay sa dating reyna sa pamamagitan ng paglason dito.
Naatasan ang pinuno ng militar na isagawa ito. Dahil ayaw niyang sundin ang ipinag-uutos ng hari, sinadya niyang saktan ang sarili sa pamamagitan ng pagpapakahulog sa sinasakyan nitong kabayo.








