What's on TV

'Karelasyon' Halloween Stories tampok ang kwentong tungkol sa gayuma, sanib, at pagmumulto

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 11, 2020 1:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Illegal turning, unattended illegal parking among top 5 traffic violations in 2025
Pagtulong ng GMAKF sa mga nilindol sa Caraga, nagpatuloy sa kabila ng panibagong pagyanig | 24 Oras
P22,000 cash, laptop lost to burglar in Iloilo City

Article Inside Page


Showbiz News



Tampok sina Archie Alemania, Karen Delos Reyes, at Mara Lopez, tunghayan ang ikalawa sa 'Halloween Stories' na handog ng 'Karelasyon.'

Sa pagpapatuloy ng mga nakakikilabot na kwentong hatid ng 'Karelasyon' ngayong buwan ng Oktubre, isang storya ng pag-ibig na humantong sa gayuma, sanib at pag-mumulto ang sunod ninyong matutunghayan.
 
Tampok dito ang storya ni Diego na tulad ng maraming kalalakihan sa kanilang lugar ay may matinding pagnanasa kay Clarissa. 
 
Subalit walang interes sa kanya si Clarissa, na dahilan para lalu siyang manggigil sa pagkahumaling dito. 
 
Mula nang ibuhos ni Diego ang atensyon at oras sa panliligaw kay Clarissa, nakadama ng selos, inggit, at poot ang kababata niyang si Selya na alam niyang matagal nang umiibig sa kanya. 
 
Magkakaron ng komprontasyon ang tatlong ito kung saan labis na masasaktan ang damdamin ni Selya. Dahil din sa insidenteng ito kaya magiging galit at desperado si Diego at maiisip na gamitan ng gayuma si Clarissa, mapasakanya lamang.  
 
Dito magsisimula ang gulo na hahantong sa maraming kababalaghan. 
 
Tampok sina Archie Alemania, Karen Delos Reyes, at Mara Lopez, tunghayan ang ikalawa sa 'Halloween Stories' na handog ng 'Karelasyon.' 
 
Abangan ngayong Sabado, October 17, pagkatapos ng 'Eat Bulaga!'