What's Hot

Tuklasin kung papaano nagwagi ang transwoman na si Hazel Timonera sa 'Powerhouse'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 10, 2020 6:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebu landfill landslide victims now all accounted for with last missing body found
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News



Saksihan ang kuwento ni Hazel Timonera, isang transwoman na naging matagumpay sa kabila ng mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay.
By FELIX ILAYA
 
 

A photo posted by Hazel Timonera (@hazelsweetgirl17) on

 
Beauty queen, print ad model, successful business woman, and beautiful transwoman; pak na pak at achieve na achieve na talaga ang buhay ni Hazel Timonera. Ngunit sino ang mag-aakala na ibang klaseng hirap pala ang pinagdaanan niya sa buhay?
 
Nakapanayam ni Hazel ang Powerhouse host na si Kara David at ikinuwento niya ang kaniyang mga pinagdaanan upang marating ang kinatatayuan niya ngayon.
 
READ: Ken Chan, pinapractice pa din ang kaniyang Chinese heritage
 
Laking lola si Hazel dahil hiwalay ang kaniyang mga magulang, sa murang edad pa lang, alam na niya na mayroon siyang pusong babae ngunit hindi ito matanggap ng kaniyang pamilya.
 
"Marami pong problema kasi lahat ng mga pinsan at 'yung mga tito ko talagang kumokontra. 'Nako palayasin mo 'yan, 'wag mong pag-aralin. Bakit mo inaasikaso, wala ka namang mapapala kasi bading 'yan.' [At the age of 13], nag-decide ako na lumayas para matahimik na lang sila."
 
Gumawa ng paraan si Hazel upang makahanap ng matutuluyan.
 
"Nakikitira ako ng one week sa friend ko tapos lipat na naman ako ng three days sa isa ko pang friend. Nakitulog po ako sa bahay ng kaibigan ko which is 'yung best friend ko. Kasi minsan nakikitira lang din siya sa may ate niya, siyempre minsan 'di kami pinagbubuksan so natutulog kami sa labas ng bahay nila, karton lang 'yung nilalatag namin. Late na kasi kami umuuwi galing kami sa pageant, inaabot kami ng madaling-araw."
 
Dahil sa pagsali-sali niya sa mga pageant, noong 19 years old siya, natuklasan siya ng isang promoter kung saan pinasok siya sa Japan bilang isang entertainer upang kumita ng pera.
 
"Malaki naman [ang kita] lalo na 'pag masipag ka at matipid ka. Matipid kasi ako, even sa Japan nagbi-business talaga ako, nagluluto ako tapos binebenta ko sa mga kasamahan ko, pati mga damit ko. Bata pa lang ako business-minded na ako."
 
Hindi nagtagal, naging ramp and print ad model si Hazel sa Macau at Shanghai. Wala siyang inaksayang panahon sa loob ng dalawang taon ng pagtatrabaho roon at noong taong 2005, naisagawa ang kaniyang sex reassignment surgery sa Thailand. Doon niya pa nga nakilala ang kaniyang naging boyfriend, and StarStruck batch 3 hopeful na si Bugz Daigo ngunit sa kasamaang palad ay nagkahiwalay rin ang dalawa. 
 
Sa ngayon, nakapag-reconcile na si Hazel sa kaniyang pamilya na matagal niyang hindi nakasama.
 
"Okay naman kami ngayon kasi 'yung panahon na hindi nila ako tanggap, noong umalis ako sa bahay, sumama 'yung loob ko. Pero kasi, para maging successful sa buhay, iwasan mo 'yung pagiging bitter, 'yung sama ng loob. Hindi na ako nagtanim ng sama ng loob sa pamilya ko kasi whatever happens, pamilya mo pa rin 'yan."
 
Sa kasalukuyan, nagpapatakbo at may-ari si Hazel ng tatlong business, isang dental clinic, salon, at spa; at balak niya pang magbukas ng restaurant sa hinaharap. Oh 'di ba bongga?
 
Mayroong huling mensahe si Hazel para sa mga hindi makaunawa sa trans community.
 
"Sa mga taong hindi nakakatanggap sa amin, try n'yo pa ding buksan 'yung puso n'yo para makita n'yo 'yung kabutihan naming mga transgender kasi hindi naman po ganoon kadali 'yung pinagdadaanan namin. At sa mga tao naman na nakakatanggap sa amin, nagpapasalamat po ako kasi hindi rin naman talaga madaling tanggapin kasi [sa] kultura natin, simula pa na parang 'Trans ka, hindi dapat tanggapin kasi babae at lalaki lang.' So nagpapasalamat po ako sa nakakatanggap sa amin."
 
Waging-wagi ka talaga Hazel; you turned your DESTINY around and ROSE from the ashes! Sa susunod na episode ng Powerhouse, abangan n'yo ang house tour at harana ni April Boy Regino.