'Firefly,' mapapanood sa mas maraming sinehan ngayon!

GMA Logo Firefly cinemas as of December 26

Photo Inside Page


Photos

Firefly cinemas as of December 26



Sold out sa ilang sinehan ang Firefly, ang opisyal na entry ng GMA sa Metro Manila Film Festival, kaya naman nadagdagan pa ang bilang ng mga sinehang pinapalabas ito ngayong December 26.

Mapapanood na ang Firefly sa 29 na sinehan sa Metro Manila, 11 na sinehan sa Luzon, at anim na sinehan sa Visayas at Mindanao.

Ang Firefly ang kuwento ni Tonton at ng kanyang paglalakbay upang hanapin ang mahiwagang island of fireflies na kinukwento lang noon sa kanya ng kanyang inang si Elay.

Ginagampanan nina Euwenn Mikaell at Alessandra De Rossi ang mag-inang Tonton at Elay. Kasama rin nila dito sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Yayo Aguila, Epy Quizon, at Cherry Pie Picache.

Mayroon ding special participation sina Max Collins at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Mapapanood na ang Firefly sa mga sinehan sa buong bansa bilang parte ng Metro Manila Film Festival.

SAMANTALA, BALIKAN ANG NAGING ADVANCE SCREENING NG 'FIREFLY' SA GALLERY NA ITO:


Firefly
Alessandra De Rossi
Euwenn Mikaell
Miguel Tanfelix
Ysabel Ortega
Cherry Pie Picache
Epy Quizon
Yayo Aguila
Max Collins
Michelle Marquez Dee
Barbie Forteza
Radson Flores, Matt Lozano, and Raphael Landicho
Jessica Soho
Kara David
Atom Araullo
Nessa Valdellon
Anj Atienza
Firefly

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat