Marian Rivera reveals her favorite role

Isang masayang collaboration ang napanood sa latest vlog ng actress-content creator na si Ivana Alawi dahil nakasama niya ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
Sa vlog ni Ivana, iba't ibang tanong ang kanilang sinagot at isa na rito ay tungkol sa paborito nilang karakter na ginampanan.
“What's your favorite role you've played and why?” tanong ng kapatid ni Ivana na si Mona Alawi.
“Alam mo palagi akong tinatanong kung ano 'yung paborito kong nagampanan. Ang palagi kong sagot diyan, parang halos lahat gusto ko talaga pero si Marimar kasi 'yung nagbigay sa akin ng break sa maraming pintong nagbukas. So Marimar ako diyan,” sagot ni Marian.
Bukod dito, sinagot din ng My Guardian Alien star kung ano ang gusto niyang i-rewind o balikan sa kanyang buhay.
Ayon sa celebrity mom, kung magkakaroon man ng pagkakataon ay nais niyang balikan muli ang panahon noong maliliit pa ang kanyang mga anak na sina Zia at Ziggy.
Aniya, “Kung may mai-re-rewind siguro ako na parte ng buhay ko, gusto ko 'yung maliliit pa 'yung mga anak ko. Kasi ngayon ang lalaki na nila. Parang ang bilis pala, totoo pala na ang bilis lumaki ng mga bata. Parang mas gusto ko 'yun i-rewind.”
“Hindi naman sa ayokong malaki na sila pero ang sarap kasi nung maliliit pa sila na wala silang inaasahan kundi si Mama at Dada lang, na nandiyan lang sila sa bahay. Siyempre, ngayon pumapasok na sila sa school, parang 'yung half day ng buhay nila nasa school na sila. Dati nasa bahay lang kasama ko. 'Yun siguro ang nami-miss ko lang,” dagdag pa niya.
Panoorin ang masayang usapan nina Ivana at Marian sa video sa ibaba.
Ang pelikula ni Marian at ng kanyang asawang si Dingdong Dantes na Rewind ay kabilang sa 49th Metro Manila Film Festival.
Bibida rin si Marian sa upcoming GMA primetime series na My Guardian Alien kasama sina Gabby Concepcion at Max Collins.
SAMANTALA, NARITO PA ANG ILANG ICONIC ROLES NA GINAMPANAN NI MARIAN:






