Behind-the-scenes of 'Encantadia Chronicles: Sang'gre' teaser

Kumpirmado na ang pagbabalik nina Sanya Lopez, Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Gabbi Garcia sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Muling mapapanood sa pagpapatuloy ng iconic telefantasya ng GMA sina Sanya bilang Danaya, Glaiza bilang Pirena, Kylie bilang Amihan, Gabbi bilang Alena.
Sa teaser video na inilabas ng Sang'gre ngayong January 1, 2024, may basbas na mula sa mga dating tagapangalaga ng brilyante ang bagong henerasyon ng mga Sang'gre na sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Faith Da Silva, Angel Guardian.
Sa Sang'gre, makikilala si Bianca bilang Terra, ang bagong tagapagmana ng Brilyante ng Lupa. Mapapanood naman si Kelvin bilang Adamus, ang tagapagmana ng Brilyante ng Tubig, Faith bilang Flamarra, ang tagapagmana ng Brilyante ng Apoy, Angel bilang Deia, ang tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin.
Tingnan ang ilang behind-the-scenes photos ng mga Sang'gre mula sa teaser video dito:









