Empoy Marquez and his leading ladies

GMA Logo Empoy Marquez and his leading ladies
Source: @empoy on Instagram, GMA Public Affairs

Photo Inside Page


Photos

Empoy Marquez and his leading ladies



Simula nang maging hit ang pelikulang 'Kita-Kita,' sunud-sunod na ang naging proyekto ng komedyanteng si Empoy Marquez.

Sa katunayan, bukod sa kapareha niya ritong si Alessandra de Rossi, ilang mga aktres na rin ang kanyang naka-team up.

Ngayong bagong taon, isa na namang bagong leading lady ang makakasama niya sa opening salvo ng Viva Films na 'My Zombabe.' Dito, makakasama niya ang kapwa komedyanteng si Kim Molina.

Sa press conference ng naturang pelikula, kapansin-pansin ang katagang ginamit para ipakilala si Empoy--ang “Ultimate Leading Man.”

Kaya naman tinanong ng GMANetwork.com kung tanggap na niya ang bansag na ito sa kanya.

Natatawang sagot niya, “Para sa akin, hindi ko nga po alam kung saan po galing yun. Ang kilala ko lang si Ultimate Warrior.”

Pagkatapos nito ay nagpaabot ng pasasalamat ang comedy actor.

Aniya, “Yung Ultimate Leading Man, sobrang thank you sa lahat ng mga taong naniniwala at sumusuporta mula noong ako'y nag-umpisa hanggang sa kasalukuyan.”

Bagamat itinuturing na siyang “leading man,” ayaw naman daw ni Empoy na magpa-pressure dito, lalo na pagdating sa trabaho.

Katuwiran niya, Kasi po, lahat ng mga trabaho ko, lagi kong iniisip na parang pang-araw-araw lang sa buhay. Totoo, ganun lang naman, enjoy-in mo lang lahat ng project mo, lahat ng trabaho. Kasi, kapag nagkaroon ng pressure, may tendency na ma-rattle ka, kabahan. Enjoy lang.”

Kaya naman sa huli, sabi ni Empoy, “Asahan n'yo po na mas pagbubutihan ko ang trabaho ko.”

Tingnan ang mga naging leading lady ni Empoy rito:


Kim Molina
Alessandra de Rossi
Alex de Rossi
Cristine Reyes
Herlene Budol
Maja Salvador
Shy Carlos
Alexa Miro

Around GMA

Around GMA

Sarah Discaya surrender not admission of guilt but legal strategy, says lawyer
2 Kapuso classroom na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Ubay Central 3 ES, pinasinayaan na | 24 Oras
NCAA: Key stats shaping San Beda-Letran Season 101 rivalry Finals