Nag-share sina Roadfill, Kylie Padilla at Bobby Andrews ng kani-kanilang ghost stories.
By FELIX ILAYA
Kaakibat na ng panahon ng Undas ang panahon ng katatakutan at gaya ng ibang tao, hindi ligtas ang mga Celebrities sa mga nakakatakot at nakakapanindig-balahibong karanasan sa Supernatural.
Inalam ni Cata Tibayan sa Balitanghali ang ilan sa mga nakakakilabot na kuwento ng ating mga celebrities.
Kuwento ni Roadfill ng Moymoy Palaboy, sadya raw siyang lapitin ng mga espiritu. Dahil dito, madalas daw siyang binabangungot sa dati nilang bahay.
"Ang ginawa ko, nagdasal na lang ako [ngunit] nakalimutan ko 'yung dasal! Feeling ko, siguro kaya hindi sila tinablan dahil kinabisang dasal eh. Wala sa puso ko 'yung pagdadasal, so 'yung ginawa ko, kumonek ako mismo sa Kaniya."
Nabiyayaan o sinumpa naman si Kylie Padilla ng pagkakaroon ng Third Eye kaya nakakakita siya ng mga multo. Tuwing Halloween at All Saints' Day, nagtitirik silang pamilya ng kandila sa bahay upang makahanap ng kapayapaan ang mga ligaw na kaluluwa.
"Nag-ghost hunting kami noon tapos may narinig kaming umiiyak, as in andito lang [pero] wala namang tao. So sabi ko 'Naririnig mo ba 'yun?' sabi niya 'Naririnig ko.' takbuhan kami! Kung naririnig niya at naririnig ko, ibig sabihin totoo!"
Saksi naman si Bobby Andrews sa isang pagsanib sa isa sa kanilang crew members noong nag-taping sila ng horror film sa Baguio. Pakiramdam niya na mayroon silang nagambala na hindi dapat gambalain.
"Iba boses niya, iba 'yung sinasabi niya. Nagpakuha sila ng albularyo tapos apparently daw dahil sa shooting may na-disturb daw na spirits kaya siya sinaniban."