Mayroong papasok na bagong character sa GMA Telebabad show na Marimar at ito ay gagampanan ni Kapuso actress Solenn Heussaff.
Ngayong araw nakatakdang mag-taping si Solenn bilang si Capuccina Blanchett, isang mayaman at magandang French-Spanish dancer na mayroong sariling dance studio.
Bago sumabak sa eksena, pinaghandaan muna ni Solenn ang kanyang buwis-buhay performance na siyang ipapakita kapag ipinakilala na ang kanyang GMA Telebabad role.