Kapuso stars grace the Manila International Film Festival 2024 Awards Night in California

Spotted ang ilang Kapuso stars sa katatapos lang na Manila International Film Festival 2024 Awards Night.
Ginanap ito nito lamang Biyernes ng gabi, February 2, 2024 (February 3, 2023, Sabado ng umaga sa Pilipinas).
Idinaos ang big event sa Directors Guild of America, sa Sunset Boulevard, Los Angeles, California.
Kabilang sa mga dumalo sa awards night ay sina Dingdong Dantes, Alden Richards, Ysabel Ortega, at iba pa.
Bukod sa mga aktor, present din sa big event ang ilang GMA executives at ilang cast members ng sampung pelikulang naging kalahok sa ika-49 na Metro Manila Film Festival.
Silipin ang larawan ng ilang Kapuso stars sa MIFF 2024 Awards Night sa gallery na ito.






