Boy Abunda, nag-renew ng kontrata sa GMA Network

Mananatiling Kapuso ang tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda matapos siyang muling pumirma ng kontrata sa GMA Network ngayong Lunes, February 12.
Simula nang magbalik-kapuso si Boy noong December 2022, napanood na rin siya sa iba't ibang programa sa GMA, kabilang na rito ang kanyang multi-platform showbiz talk show na 'Fast Talk with Boy Abunda.'
Sa kanyang ikalawang taon sa GMA, ano kaya ang mga dapat abangan sa batikang TV host?
Silipin ang mga naging kaganapan sa contract renewal ni Boy sa GMA sa gallery na ito:














