Kapuso celebrities, personalities get own stars in Walk of Fame

Ipinakilala na ang pinakabagong Kapuso celebrities and personalities na magiging parte ng Eastwood Walk of Fame sa ginanap na induction ceremony kahapon, March 6, sa Eastwood, Quezon City.
Ang Eastwood City Walk of Fame ay sinimulan ng namayapang Master Showman na si German "Kuya Germs" Moreno noong 2005. Ipinagpatuloy ito ng kaniyang anak na si Federico Moreno.
Parte ito ng City of Stars project ng Quezon City, sa pangunguna noon ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista at Megaworld Corporation Senior Associate Vice President at Head for Marketing na si Tefel Pesigan-Valentino at Quezon City Mayor Herbert Bautista, na nagpapatuloy ng nasimulan ni Kuya Germs.
Kilalanin ang pinakabagong Kapuso inductees sa Eastwood City Walk of Fame sa gallery na ito:


















