'It's Showtime' family, mainit na sinalubong sa GMA

Sakay ng isang kumikininang na float, dumating na sa GMA Network ang It's Showtime hosts para sa inabaangang “It's Showtime sa GMA Contract Signing” ngayong Miyerkules, March 20.
Masayang sinalubong sa GMA ang noontime show hosts suot ang kanilang red outfits. Present dito sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Karylle, Ryan Bang, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Amy Perez, Ion Perez, MC, Lassy, Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez.
Panoorin ang mga kaganapan sa contract signing sa live streaming ng GMA:
Matatandaan na noong July 2023 nagsimulang mapanood ang It's Showtime sa second free-to-air channel ng GMA na GTV.
Simula noon, napanood na rin sa nasabing noontime program ang iba't ibang Kapuso stars. Balikan ang kanilang naging guestings sa gallery na ito:
KILALANIN ANG CELEBRITIES NA BAHAGI NG IT'S SHOWTIME DITO:













