
Ehemplo ng good values ang AlDub at si Lola Nidora kung kaya't sila ang napiling itampok sa poster ng Official Gazette of the Republic of the Philippines para sa Filipino Values Month.
By ANICA SAMODIO
Ayon sa Official Gazette of the Republic of the Philippines, ang buwan ng Nobyembre ay ang “Filipino Values Month” kung kaya’t ginawang poster ang AlDub at si Lola Nidora kung saan inilarawan ang tradisyon na pagmamano at paggalang.
November of every year is Filipino Values Month, by virtue of Proclamation No. 479, s. 1994—which seeks "to create moral...
Posted by Official Gazette of the Republic of the Philippines on Monday, 23 November 2015
Nakasaad sa Proclamation No. 479 na ang buwan na ito ay nakatuon sa pagtaguyod ng kulturang Pilipino na pagiging maka-Diyos, makatao at makabayan. At dahil ipinapakita ang magagandang asal tulad ng pagrespeto, pagbibigay importansya sa pamilya at ang tradisyonal na panliligaw sa Eat Bulaga kalye-serye, ang mga pangunahing tauhan nito ang ginawang imahe para sa poster ng naturang ahensiya.