What's Hot

Magbabalik ang historical-medical drama na 'Poong, the Joseon Psychiatrist' sa GMA

Published October 6, 2023 1:58 PM PHT

Video Inside Page


Videos

Poong, the Joseon Psychiatrist Season 2



Magbubukas na ulit ang klinika na gagamot sa inyong mga puso, ang 'Poong, the Joseon Psychiatrist' Season 2 sa GMA.

Samahan muli si Yoo Se-poong (Kim Min-jae) sa pagbabalik niya sa palasyo, kung saan magsisimula silang muli ni Gye Ji-han (Kim Sang-kyung) ng bagong Gyesu clinic sa Hanyang. Dito, susubukan nilang gamutin ang isang epidemya na bumabalot sa palasyo.

Ngunit magagamot kaya ni Poong ang sakit at puso ng mga tao kung ang sarili niyang puso ay nangungulila kay Seo Eun-woo (Kim Hyang-gi)?

Abangan sa 'Poong, the Joseon Psychiatrist Season 2' ngayong Oktubre sa GMA.



Around GMA

Around GMA

LIST: Winners of the MMFF 2025 Gabi ng Parangal
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers