Love teams of Uni Love Squad ensure healthy relationship

GMA Logo Uni Love Squad
Source: @vivaartistsagency (Instagram)

Photo Inside Page


Photos

Uni Love Squad



Bahagi na ng showbiz industry ang pagkakaroon ng mga love teams. Sa katunayan, nagiging panimula pa ito sa gumandang karera ng isang celebrity, lalo na kung baguhan.

Ganito ang nangyari sa love teams ng UniLove Squad na binubuo magkakaparehang sina Marco Gallo at Heaven Peralejo o MarVen; Jerome Ponce at Krissha Viaje o KrisshRome, at Gab Lagman at Hyacinth Callado o HyGab.

Nagsimula sila bilang magkababarkada sa book-to-screen series na The Rain in España. Ito ay hango sa unang libro ng University Series, na may parehong titulo, ni Gwy Saludes. Sa naturang online series, nabuo ang love team nina Marco at Heaven, na nakabuo na rin ng matibay na fan base.

Sa sequel naman nitong Safe Skies Archer, nakapareha ni Krissha Viaje si Jerome Ponce, na bagong dagdag sa kanilang “univerkada.”

Sa ngayon, naghahanda na rin sina Gab at Hyacinth, na bibida naman sa ikatlong libro ng University Series, ang Chasing in the Wild.

Bagamat magkakasama sa isang proyekto, siniguro ng love teams na MarVen, KrisshRome, at HyGab na maayos ang relasyon nila sa isa't isa at walang anumang kompetisyon.

Ani Krissha, “Kami, we support each other, we're happy for each other. Minsan kami pa yung nag-aasaran sa isa't isa, to boost each other up. Hindi naman kailangan ng competition kasi iba-iba naman ang dynamics namin as love teams.”

Para naman kay Gab, pamilya na ang turing nila sa isa't isa.

“We built the foundation as a family na rin, e. So, we wanted to stay as a family and support each other. Like what Heaven said in the second book, na sina Jerome at Krissha ang [bida], we fully support them kasi this is their time. I know when it's our time, they're gonna support us as well,” sabi ng aktor.

Sumang-ayon naman dito si Heaven. Sa katunayan, aniya, “Ang maganda rin sa amin kasi hindi lang siya work. Umaalis din kami. Like last time, we went to La Union. Magkakasama kami, wala lang si Gab sa aming lahat. Also like itong mga girls, minsan natutulog sila sa bahay. So, walang competition, we're helping each other, actually. It's a very healthy relationship.”

Nakausap ng entertainment press, kasama ang GMANetwork.com, ang tatlong love teams sa launch ng Uni Love Squad kamakailan.

Kilalanin pa ang MarVen, KrisshRome, at HyGab ng Uni Love Squad dito:


 Uni Love Squad
The Rain in España
MarVen discoveries
Unexpected
KrisshRome
Closer to each other
New project
HyGab
Enjoying the process
Movie project

Around GMA

Around GMA

How teamwork led to Gallery by Chele’s first Michelin star | Power Talks with Pia Arcangel
The Voice Kids Philippines stages its grand finale this December 14
BTS's Jungkook is Chanel Beauty's newest global brand ambassador