What's on TV

Karelasyon presents 'Blackmail'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 15, 2020 6:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral's last hours before fatal fall captured by hotel CCTV footage
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Nangingibambansa ang maraming Pilipino para sa kapakanan ng kanilang pamilya. Pero paano kung ang paglisan nila sa bansa para maiahon ang pamilya sa kahirapan ang siya namang magdadala sa kanila sa kapahamakan at mas matinding problema?

Nangingibambansa ang maraming Pilipino para sa kapakanan ng kanilang pamilya.

Handa nilang tiisin ang pagiging malayo sa kanila upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Pero paano kung ang paglisan nila sa bansa para maiahon ang pamilya sa kahirapan ang siya namang magdadala sa kanila sa kapahamakan at mas matinding problema?

Makakatakas nga si Mika (Angeli Bayani) mula sa kalupitan ng kanyang amo sa abroad, pero anong kapalaran naman kaya ang haharapin niya sa poder ng kapwa Pilipinong sasaklolo sa kanya roon?

Ang tulong na ibinigay ni Bong (Allen Paule), ano kaya ang magiging kapalit?

Ito ang problemang pipiliin na lang ilihim ng OFW na si Mika mula sa kanyang mister (Antonio Aquitania), na siya namang pagmumulan ng lamat sa relasyon nilang dalawa.

Paano haharapin ni Mika ang mga pagsubok na ito?

Abangan ang sunod na kwentong tampok sa Karelasyon! Sa pagbibida nina Angeli Bayani, Allen Paule, at Antonio Aquitania, panulat ni Danzen Santos-Katanyag at direksyon ni Paui Sta. Ana.

Samahan si Ms. Carla Abellana ngayong Sabado, December 12, pagkatapos ng Eat Bulaga.