Angeli Khang, nasasaktan sa natatanggap na indecent proposals

Bilang sexy stars, hindi maiiwasan ang makatanggap ang ilan sa kanila ng indecent proposals. Kahit ang pinakabagong Black Rider star na si Angeli Khang, aminadong nakatatanggap ng mga ganito.
Sa Updated with Nelson Canlas podcast, ikinuwento ni Angeli na nakatatanggap siya ng messages na naglalaman ng indecent proposals sa Instagram. Minsan naman ay mga kaibigan pa niya ang mine-message ng mga proposal para sa kaniya.
“Until now, parang naaapektuhan pa rin ako kasi minsan naisip ko wala naman akong ginagawa, alam ko sa sarili ko na I took my mom's advice. Isinasapuso ko po talaga 'yung advice sa 'kin ng mom ko na 'pag wala akong tatapakan na tao, mahal ko po 'yung gigawa ko, [ipagpatuloy lang],” sabi niya.
Bago maging bahagi ng GMA Prime series na Black Rider, nakilala si Angeli sa sexy movies sa streaming platform na Vivamax.
Patuloy niya, “Kaya 'pag may nakikita po ako na ganung mga issue, parang nasasaktan ako. Dahil ba nagsimula ako sa ganitong career kaya 'yan ginagawa ng mga tao o marami ba talagang nagseselos sa mga asawa at jowa nila?”
Ngunit paano nga ba hina-handle ni Angeli ang mga ganoong messages?
Aniya, “At first, nire-replyan ko po lahat ng, 'Sorry, hindi po ako naggaganyan, I don't do that.' Pero ngayon po, hindi ko na sila nire-replyan kasi paulit-ulit na lang po.”
Pakinggan ang buong interview ni Angeli dito:
Samantala, tingnan ang ilang pang celebrities na nakatanggap din ng indecent proposal dito:














































