
Bob and his friends have their work cut out to prepare for the town's annual Christmas concert. Will he still have time to celebrate the holidays with his brother?


Kahit busy siya, masaya naman si Bob the Builder dahil bibisitahin siya ng kanyang kakambal na si Tom para sa Pasko. Bihirang magkita ang magkapatid dahil isang zoologist si Tom at nakatira ito sa Arctic.
Gusto sana ni Bob ng tahimik na bakasyon kasama ang kanyang kakambal pero aatasan siya ni Mayor Bunty Ferguson na magtayo ng stage para sa concert ng sikat na singer na si Lenny Lazenby na gaganapin sa kanilang town.
Bukod pa dito, aksidente pang masisira ni Lofty ang buong town hall pati na ang Christmas tree dito! Siyempre, si Bob at ang kanyang crew din ang maaatasang ?umayos nito.
Samantala, made-delay din si Tom sa kanyang byahe. Tutulungan kasi niya ang isang baby reindeer na makabalik sa kanyang tatay.
Magkita pa kaya sina Bob at Tom? Magiging masaya kaya ang Pasko nila?
Alamin sa Christmas Cartoon Festival Presents... Bob the Builder: A Christmas to Remember, December 12 and 13, 7:00 am sa GMA!