Dingdong Dantes has a kilig answer to 'What's the best part of being a Kapuso?'

Pinakilig ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang lahat ng dumalo sa kaniyang contract signing event sa GMA Network ngayong Huwebes, May 9.
Dito ipinahayag ng aktor ang kaniyang lubos na pasasalamat sa “unwavering support” na natanggap niya mula sa GMA mula noon hanggang ngayon.
Pero may sinabi si Dingdong, na isa sa mga dahilan kung bakit siya nanatiling isang Kapuso na talaga namang nagpakilig sa mga dumalo.
Aniya, “Dito sa Kapuso (GMA Network), dito mo makikilala ang mapapangasawa mo.”
December 30, 2023 nang ipagdiwang nila ng kaniyang asawa at Primetime Queen na si Marian Rivera ang kanilang 9th wedding anniversary.
Nag-iwan pa ng sweet na mensahe si Marian para sa kaniyang asawa, kalakip ang isang throwback photo ng kanilang kasal noong 2014.
“Siyam na taon ng pagmamahal, tawanan, at walang katapusang pasasalamat. Happy Anniversary mahal, ikaw ang aking walang hanggang biyaya,” sulat niya sa post.
Sinagot naman ito ni Dingdong ng, “Hanggang sa susunod na habang buhay.”
Samantala, bukod kina Marian at Dingdong, ilang Kapuso couples din ang natuloy sa altar kinalaunan. Isa na rito ay sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na ikinasal sa isang intimate ceremony noong 2021.
Nagdiwang naman ng kanilang 4th anniversary nitong February ang Kapuso hosts/actors na sina Joyce Pring at Juancho Trivino. Patunay lang din ito na marami sa mga Kapuso celebrities ang nakahanap ng mapapangasawa nila sa network.
SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA NAKAKAKILIG NA REAL-LIFE KAPUSO COUPLES SA GALLERY NA ITO:










