Lianne Valentin, Andrea Torres, John Vic De Guzman, Prince Celemente, dumalo sa Balbagan Festival

Dumalo at nakisaya sa nagdaang Balbagan Festival ang Kapuso stars na sina Lianne Valentin, Andrea Torres, Abot-Kamay na Pangarap actor John Vic De Guzman, at Black Rider actor Prince Clemente sa Binalbagan, Negros Occidental.
Ang Balbagan Festival ay isang selebrasyon para ipagdiwang ang pinagmulan ng Binalbagan, kabilang na ang isang folklore tungkol sa higanteng ahas na humaharang umano sa Binalbagan River.
Kaya naman, ang pagdiriwang ng Balbagan Festival ay puno ng musika at sayawan; ang pagtambol ay nagpapaalala ng dating balbag ritual; habang ang mga mananayaw ay nakabihis at sumasayaw ng gaya sa ahas sa kuwento.
Tingnan kung paano nakisaya ang Kapuso stars na sina Lianne, Andrea, John Vic, at Prince sa gallery na ito:











