Meet the cast of GMA's new Lakorn, 'Eclipse of the Heart'

Nagsimula nang mapanood tuwing hapon ang bagong Lakorn ng GMA na Eclipse of the Heart, na pinagbibidahan ng Thailand's hottest stars na sina Mark Prin (Enzo) at Maylada Susri (Rina).
Kasama rin nila sa seryeng ito sina Two Popetorn Soonthonryanakij bilang Sam, Unda Kulteera Yordchang bilang Kara, Game Santi Santiwetchakun bilang Ben, at Nok Chatchai Plengpanich bilang Brian.
Umiikot ang kuwento ng Eclipse of the Heart sa pag-iimbestiga ni Rina sa biglaang pagkamatay ng kanyang ama, na sinampahan ng kasong pagnanakaw ng itinuring niyang pangalawang ama na si Brian.
Kasangga ni Rina sa paghahanap ng hustisya si Enzo, ang pinaka hindi niya inaasahang makatutulong sa kanya.
Kilalanin ang cast ng Eclipse of the Heart sa gallery na ito:








