'Hello, Love, Again' nina Alden Richards at Kathryn Bernardo, naghatid ng kilig at excitement sa fans

Opisyal nang inanunsyo ang pagbabalik-tambalan nina Kapuso actor Alden Richards at Kapamilya actress Kathryn Bernardo para sa Hello, Love, Again, sequel ng 2019 box office hit na Hello, Love, Goodbye.
Ang nasabing sequel ay collaboration ng GMA Pictures at Star Magic, at nakatakdang ilabas sa mga sinehan sa November 13.
Sa pagpapatuloy ng love story nina Ethan (Alden) at Joy (Kathryn), hindi naiwasang mapatanong ang netizens kung magkakaroon na ng happy ending ang kuwento nina Ethan at Joy.
Sulat ng netizen na si Ricky Domingo, "Can't wait sa journey ni Joy sa Canada at kung sila ba sa huli ni Ethann na naiwan sa Hong Kong."
Marami na rin ang excited at kinikilig na muling mapanood sina Alden at Kathryn sa big screen. Basahin ang ilang reaction ng netizens sa gallery na ito:









