
Reunion at gift-giving ang plano ni Mosang.
By AEDRIANNE ACAR

Ramdam na talaga ang simoy ng pasko at ang lahat ay naghahanda na para sa selebrasyon.
14 Yaya characters we love watching on TV
Selfie with Baby of 'Pepito Manaloto'
Kahit nga ang mga Kapuso artist excited na dahil opportunity ito para makasama nila ang kanilang mga mahal sa buhay.
Sa exclusive interview ng GMA network.com sa Kapuso comedian na si Mosang na gumaganap bilang Baby sa Saturday hit sitcom na 'Pepito Manalato: Ang Tunay na Kuwento,' tinanong naming ito kung ano-ano ang plano nilang gawin ng kanyang pamilya sa darating na kapaskuhan?
Kuwento ni Mosang, "Ang pinakamasaya sa family ko ngayon is that kami magkakapatid mayrun kaming finally reunion. All of us, kasi anim kami talaga. So 'yun ang inaayos ko for the Holiday."
"So, yung house namin, inaayos. Finally magkakasama-sama, gusto kong magpa-pictorial with mga kapatid ko."
Dagdag din ng veteran theater actress, plano din ng kanyang family na magkawang-gawa sa mga bata na kapus palad.
"Siyempre, something for the kids, so mayrun akong mga gift-giving sa mga bata na ginagawa namin mag-ina regularly."