
Abangan ang 'The First Snow of Winter' pagkatapos ng 'Pokemon XY'

Malapit na ang winter kaya kailangan nang mag-migrate patungong timog ang mga ibon.
Pero sadyang makulit ang duck na si Sean. Dahil sa kanyang kapilyuhan, mawawala siya at maiiwan ng kanyang pamilya. Pati ang kanyang kaibigang puffin na si Puffy ay maiiwan din!
Buti na lang may isang mabait na water vole, si Voley, na tutulong sa kanila para maghanda sa lamig ng winter. Ngunit hindi din sila mababantayan ni Voley ng lubos dahil kailangan niyang mag-hibernate.
Sapat na ba ang mga itunuro ni Voley kina Sean at Puffy para malampasan nila ang winter? Makita pa kaya nilang muli ang kanilang mga pamilya?
Abangan ito sa 'Christmas Cartoon Festival Presents... The First Snow of Winter,' December 23 pagkatapos ng 'Pokemon XY.'