What's Hot

Rafael Rosell, hindi kayang iwan ang kanyang soon-to-be bride sa altar sa totoong buhay

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 28, 2020 8:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cellphone ng tindahan, tila may sumpa? | GMA Integrated Newsfeed
Suspect in Cotabato grenade attack killed in hot pursuit
EA Guzman and Shaira Diaz mark their first New Year's celebration together

Article Inside Page


Showbiz News



"I would probably back out before reaching that point." - Rafael Rosell


By BEA RODRIGUEZ

Nakaka-relate umano ang 'Because of You' star na si Rafael Rosell sa kanyang karakter bilang si "Oliver" dahil minsan niya nang maranasang mapagitnaan ng kanyang career at love life.

Rafael Rosell

READ: Carla Abellana, kaya bang ipagpakit ang career sa kanyang minamahal? 


"There's been a lot of times sa buhay ko na I've reached a fork road, and I have to choose between my personal life and career. Hindi lang nagtugma ang understanding and perspective sa buhay and I can relate a lot," saad niya sa
panayam ng GMANetwork.com kamakailan lamang.

Paano niya ito nasolusyunan? "I think it's a combination of loving yourself and loving the person dahil if you love them, you let them go, 'di ba? Also, [napakaimportante ang] pagmamahal sa sarili, [and] you have to know your priorities."

READ: 'Love just comes out of the blue' –Rafael Rosell 

Sa mismong serye, pinili ni Oliver ang kanyang career bilang isang photographer kaysa sa babaeng pinangakuan niya ng kasal.

Dagdag ni Rafael, "I think the easiest choice or the most obvious choice for people is to choose themselves. Tulad sa ibang lalaki [at] mga babae sa mundo ng pagtatrabaho, na-promote siya at nakita niya na may potential pa palang kumita at mag-grow."

Hindi man ito naging madali para sa karakter ng aktor, nagdesisyon pa rin siya kung ano ang sa tingin niya ang makakabuti para sa kanyang sarili.

Kung sa serye, iniwan ni Oliver si Andrea sa altar sa mismong kasal nila, hindi raw ito magagawa ng Kapuso star. Aniya, "Pero ang mang-iwan sa altar, parang hindi ko kakayanin sa totoong buhay. I would probably back out before reaching that point."

READ: Rafael Rosell, baduy at cheesy sa love?