
Panoorin ang 'Christmas Cartoon Festival Presents... Fireman Sam: Snow Business,' December 26, 7:00 am sa GMA!
By MARAH RUIZ

Naghahanda na para sa Pasko ang fireman na si Sam Jones pero biglang kinailangang rumesponde ng buong fire station sa isang emergency.
Dalawang bata ang na-trap sa yelo at kailangang sagipin. Mga pamangkin pala ni Sam na sina Sarah and James ang mga ito!
Bukod dito, na-stranded din sa makapal na snow ang town bus habang may sakay na mga pasahero.
Matapos pa kaya ni Sam ang lahat ng kailangan niyang gawin bago sumapit ang Pasko?
Alamin sa Christmas Cartoon Festival Presents... Fireman Sam: Snow Business, December 26, 7:00 am sa GMA!