Donna Cariaga to the cast and crew of 'Balota': 'Karangalan ang ma-witness ang inyong kahusayan'

Mapapanood ang actress at comedienne na si Donna Cariaga sa 2024 Cinemalaya entry na Balota. Ang naturang pelikula ay co-produced ng GMA Pictures kasama ang GMA Entertainment Group, in cooperation with Cinemalaya.
Sa Instagram, ibinahagi ni Donna ang ilang mga larawan kasama ang kanyang co-stars na kinuhanan sa set ng Balota.
Labis ang pasasalamat ng aktres sa direktor na si Kip Oebanda para sa pagkakataong mapabilang sa pelikula.
“ANITA for #Balota Huhu di makapaghintay na mapanuod ninyo ito as part ng Cinemalaya 2024! Thank you, direk [Kip Oebanda] sa pasabog na experience. Ang dami pong surprises! Hahaha,” wika niya sa caption.
Thankful din si Donna sa cast at crew ng pelikula. Dagdag pa niya, “Karangalan ang ma-witness ang inyong kahusayan.”
Ang Balota ay pagbibidahan nina Will Ashley, Royce Cabrera, Raheel Bhyria, Gardo Versoza, Mae Paner, Nico Antonio, Donna Cariaga, Joel Saracho, Sue Prado, Esnyr, Sassa Gurl, at Marian Rivera.






