'Sang'gre' cast, naghandog ng saya sa TOYCON Evolution 2024

Hindi napigilang humiyaw sa tuwa ang fans nang nakasama nila ang mga ilan sa cast ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa naganap na TOYCON Evolution 2024 sa SMX Convention Center Manila. Present ang mga bagong henerasyon na Sang'gre na sina Bianca Umali, Faith Da Silva, at Angel Guardian. Kasama rin nila ang Kapuso actress na si Rhian Ramos, na gaganap bilang si Mitena.
Nakisaya ang Sang'gre stars sa kanilang munting laro kasama ang fans at sila mismo ang nag-abot ng mga napanalunang prize sa mga nanalo. Mas nakilala rin ng Sang'gre cast ang Encantadiks sa kanilang fansign event.
Tingnan ang mga naganap sa pagbisita ng Sang'gre stars sa TOYCON Evolution 2024 sa gallery na ito:












