Eclipse of the Heart: Pagtatapat ni Enzo ng tunay na feelings kay Rina | Week 6

Sa ikaanim na linggo ng Thai series na Eclipse of the Heart, hindi naiwasang magalit ni Rina (Maylada Susri) kay Enzo (Mark Prin) nang malamang nagsinungaling ito sa kanya.
Inamin ni Enzo na itinago niya ang sasakyan para mapilitan si Rina na manatili sa kanila at para hintayin si Sam. Nais lamang nina Enzo at Sam na maging ligtas ang dalaga at hindi mapahamak sa patuloy na pag-iimbestiga nito sa pagkamatay ng ama.









