
Watch it.
By GIA ALLANA SORIANO
Sa isang special episode ng Tonight with Arnold Clavio (TWAC), tinuruan ni Ina Raymundo si Igan ng simple Zumba steps. Game na game naman ang TWAC host sa pagkembot kasabay ang Marimar star.
Video courtesy of GMA News
Ika ng aktres, isa ang pagzu-Zumba sa mga ginagawa niya para ma-maintain ang kanyang figure. Aniya, “Ang sekreto ko ay napakamadisiplinang buhay. [Pero] siyempre 'pag may work puyat talaga. Pero I watch what I eat and I work out.”
READ: Ina takes hip hop dance lessons
Sinabi rin ng mom of five kids na although bonus na ang pagiging sexy, ang pinaka-priority talaga niya ay ang pagiging healthy para sa kanyang mga anak. Saad niya, “Gusto mo talagang maging healthy ka for your kids, [na] pagtanda mo hindi ka maging pabigat sa kanila, wala kang aches and pains.”
WATCH: Ina does a backbend at 40
“Kaya ngayon palang, you do your best to take care of yourself,” advice naman niya sa mga mommies like her.
READ: Ina turns 40