Kim Atienza, nilinaw ang mga naging isyu kaugnay ang 'It's Showtime'

Pinaunlakan kamakailan ni Kim Atienza, o mas kilala sa showbiz bilang Kuya Kim, ang panayam ni Ogie Diaz para sa kanyang YouTube vlog.
Sa 29-minute vlog na na-upload sa YouTube, napag-usapan ang naging kontrobersiyal na tweet noon ni Kuya Kim para kay John Prats, na naging direktor ng It's Showtime. Sa X (na dating Twitter), binati ng TV host si John sa pagiging bagong direktor ng programa. Kasama nito ay ang komento niyang, “"Galing ni Lord no? Iniwas siya sa sakit ng ulo.”
Ayon kay Kuya Kim, na-misinterpret ng mga nakabasa nito ang mensahe niya.
Paliwanas niya kay Ogie, “Ang problema sa Twitter, you're only able to say whatever you want to say in a few words. Nawawala ang context. Kasi, ang context naman sa sinabi ko na iyon, sanay kasi si John na action at taped na serye. Ang ibig kong sabihin na, 'Baka sumakit ang ulo mo' kasi live show 'yan. Dahil yung panahon ni Bobet [Vidanes, former director of the program], masakit 'yung ulo niya palagi. Dahil mahirap ang live show. Ibang skill set. That's what I meant. Not to put down my colleagues.”
Dagdag pa ng TiktoClock host, “I meant nothing. I meant no harm. Natiyempo kasi kalilipat ko lamang sa GMA-7 noon, so very sensitive pa 'yung mga Kapamilya natin na bakit umalis ako? So, it was interpreted as parang tinitira ko 'yung dati kong show which is hindi naman. Because I really meant nothing, walang malisya 'yung pagkasabi ko. But since nand'yan na 'yan at apoy na. Wala na, nand'yan na 'yan."
Sa naturang panayam, nilinaw din ni Kuya Kim na maayos ang relasyon niya kay Vice Ganda, na main host ng programang dati niyang kinabibilangan, ang It's Showtime.
Matatandaan na nagkaroon din ng di pagkakaunawaan ang dalawa nang magkomento si Kuya tungkol kay Karylle.
Ayon kay Kuya Kim, “Nagkaroon kami ng misunderstanding ni Vice noon over Karylle. Ako naman dahil kaibigan ko si Karylle, inaanak ko. Sinabi ko, 'I love Karylle.' E, may pinagdadaanan na pala ang show nu'n at it was taken out of context. Dahil nasaktan ko ang feelings ni Vice, kinausap ko kaagad, minessage ko kaagad. Nag-usap kami ng mahaba. 'Tapos na 'yun."
Kaugnay nito, diniin ng TV host, “Hindi ako fighter. Lover ako. I'd rather talk and compromise rather than makipagbanggaan.”
Kaya naman sa halip na sagutin ang kanyang bashers, sabi ni Kuya Kim, “I just let it pass. Whether tama ka or hindi ka tama. Pag nagsalita ka talo ka pa rin, eh. Sabi nga nila, 'Much is expected from those who have much.' Tayo'y nasa tv, tayo'y celeb, it's part of the course for us, eh. Kinakailangan palipasin mo na lang."
Panoorin ang kabuuan ng kanyang panayam rito:
Samantala, narito ang ilang pang celebrities na nagkaayos matapos ang di pagkakaunawaan:













































