
Abangan si Rochelle bilang si Audrey sa 'Wish I May,' magsisimula na sa January 18, sa GMA Afternoon Prime.
By MARAH RUIZ

Kabilang si Kapuso dancer turned actress Rochelle Pangilinan sa cast ng upcoming GMA Afternoon Prime serye na 'Wish I May.'
Gaganap siya dito bilang si Audrey, ina ni Tristan na gagampanan naman ni young Kapuso leading man Miguel Tanfelix.
LOOK: Wish I May: Ang mga tauhan
Sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, ikinuwento ni Rochelle ang tungkol sa kanyang karakter at ang kanyang mga preparasyon para dito.
"Si Audrey, isa siyang [taong] napaka-possesive. Actually, may bait din naman. 'Yun naman 'yung pagkakaiba nito sa character ko. Medyo may bait naman, 'yun lang sobrang selosa. Kapag nagmahal siya, wagas," paliwanag ni Rochelle.
Ayon sa kanya, ito raw ang unang pagkakataon na gaganap siya bilang isang ina ng teenager kaya kailangan niya itong paghandaan ng mabuti.
"Malayo siya sa akin. Bukod sa binasa ko yung script, gumawa ako ng background niya," aniya.
Anong klaseng preparasyon naman kaya ang ginagawa niya?
WATCH: Wish I May: Ang kuwento
"Bilang Audrey na malandi, kumukuha ako dun sa bilang Sex Bomb noon.
Kinukuha ko siya doon na malandi, kikay, kung bakit siya maagang nagka-anak. Hindi naman pwedeng pa-girl ako masyado," pagpapatuloy nito.
Abangan si Rochelle bilang si Audrey sa 'Wish I May,' magsisimula na sa January 18, pagkatapos ng 'Eat Bulaga' sa GMA Afternoon Prime.