Barbie Imperial, pumalag sa 'fake news' na nagsabing magkaka-baby sila ni Richard Gutierrez

Agad na naglabas ng pahayag ang aktres na si Barbie Imperial nang malaman niya na may kumakalat na balita na buntis diumano siya.
Makikita sa Facebook account ng Showbizfinds ang larawan nina Barbie Imperial at multi-awarded host na si Boy Abunda na may caption na, “Barbie Imperial UMAMING BUNTIS sa Unang pagkakataon! Richard Gutierrez TATAY NA!”
Source: Showbizfinds (FB)
Sa pamamagitan ng Facebook page ni Barbie Imperial, pinasinungalingan niya ang lumabas na report sa showbiz account.
Aniya, “This page is posting lies and things that I never said. Please report.
“Report Showbizfinds Mga oragon patabang pls.”
Bagamat napikon sa maling balita na kumakalat, idinaan na lang ni Barbie Imperial sa biro na “magkaka-jowa” ang lahat ng magre-report ng Facebook page.
Kinumpirma na ni Sarah Lahbati sa isang panayam noong March 2024 na hiwalay na sila ng mister niya na si Richard Gutierrez.
Ikinasal sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez noong 2020 at may dalawang anak sila na sina Zion at Kai.
RELATED CONTENT: GET TO KNOW TV-MOVIE ACTRESS BARBIE IMPERIAL









