Rufa Mae Quinto, nagbabalik-komedya

Na-excite daw si Rufa Mae Quinto sa pagbabalik niya sa pagpapatawa sa pamamagitan ng online program na Last One Laughing.
Sa ginanap na media conference nito kamakailan, sinabi ni Rufa Mae na mananatili na siya sa Pilipinas kasama ang anak niyang si Alexandria Athena.
“Baka akala n'yo aalis na naman. Hind na, dito na lang,” sabi niya.
Kaugnay nito, balik na rin siya sa trabaho bilang comedy actress. Sa katunayan, sobrang natutuwa raw siya at napili siya bilang isa sa comedians na sasabak sa challenge ng Last One Laughing.
“Super worth it. Talagang after this, kahit na huwag ka muna mag-show,” natatawang sabi ni Rufa Mae.
“Pero kailangan may raket para may income. I'm just saying na pagkatapos nito, hindi ko na alam kung ano pa yung susunod na mas maganda pa rito.”
Bukod dito, masaya rin siya na ang mga kabataan ngayon ay nasasakyan pa rin ang kanyang paraan ng pagpapatawa.
“Kumbaga, para sa akin, sa 30 years ko na ding nagpapatawa, iba 'to, e. Talagang yung Gen Z na din, kumabaga, nakahabol pa ako. I'm back at masaya talaga,” sabi ni Rufa Mae.
Viral ngayon ang unang spotlight ni Rufa Mae sa naturang program ng online streaming platform na Prime. Karamihan sa mga komento tungkol rito ay mga natutuwa at sobrang natatawa sa kanyang inihandang skit.
Aminado si Rufa Mae na bagamat masaya siya sa pagpasok sa loob ng bahay ng Last One Laughing, hindi niya raw ito maitodo kasi hindi pa niya kilala kung sinu-sino ang mga makasama niya.
“Siyempre, na-excite na ako, pero sakto lang,” biro ng comedienne-celebrity mom.
“Hindi ko alam kung sino ang mga makakasama, so parang ang hirap naman na itodo ko na yung kaligayahan. Pero noong nalaman ko nga na ito… kaya tingnan mo wala muna akong ginagawa kasi ito lang muna this year. Inaabangan ko talaga. Ito lang, sulit na. So, commercial lang 'tapos ito. Sabi ko, hintayin ko muna ito kasi maganda ito.”
Sa huli, muling sinabi ni Rufa Mae na full time na ang pagbabalik-komedya niya, “After this, dito na, tuluy-tuloy na, na-excite ako ulit sa comedy ko.”
Samantala, tingnan ang mga nakaaaliw na captions ni Rufa Mae sa Instagram:














