The cast of 'Balota' grace Cinemalaya 2024 press conference

Dumalo ang ilang cast ng upcoming 2024 Cinemalaya entry na Balota sa naganap sa press conference ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival nitong Miyerkules (July 10) sa Manila.
Present sa naturang event sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Will Ashley, Royce Cabrera, Raheel Bhyria, Donna Cariaga, Joel Saracho, Sassa Gurl, at ang direktor ng pelikula na si Kip Oebanda.
Sa isang panayam, ibinahagi ni Marian, na gaganap bilang Emmy sa Balota, na bumalik ang kanyang fulfillment sa kanyang craft matapos gawin ang nasabing pelikula.
“Hindi ko mapaliwanag 'yung pakiramdam ko after ko matapos 'yung Balota. Parang palagi kong sinasabi, lalo na sa asawa ko, na alam mo 'yung ang tagal ko sa showbiz pero parang bumalik ulit 'yung fulfillment ko sa sarili ko sa paggawa ng trabaho,” aniya.
Tingnan ang cast ng Balota sa press conference ng Cinemalaya 2024 sa gallery na ito.










