Boy Abunda, nag-comment kina Gabbi Garcia and Alden Richards bilang host

Isa sa mga tinitingalang host sa Pilipinas si Boy Abunda. Ilang mga artista na rin ang sumailalim sa kanya para mahasa ang kanilang kakayahan sa pagho-host, 'di lamang sa TV program kundi pati sa live shows.
Isa sa mga humingi ng tulong niya sa pagho-host ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia, na matagumpay bilang host ng beauty pageants na Miss Manila at ang prestihiyosong Miss Universe Philippines.
Sa isang panayam kamakailan, naikuweto ng Fast Talk With Boy Abunda host ang ginawa niyang coaching para kay Gabbi.
“I would tell her, 'Gabbi, when you host beauty contests, adlibbing is rehearsed until it becomes organic,” ani Boy.
Sinabihan din niya ang 25-year-old actress-TV host na pag-aralan ang paraan ng pagho-host sa ilang beauty pageant, particular na ang Miss Universe.
“Sabi ko, 'Tingnan mo, ang taas sa umpisa. Bababa sa QnA. Panoorin mo kung paano mag-prompter, nagbabasa, nag-a-adlib, pero hindi nawawala sa script. Nag-eemosyon, tumatawa, bumabalik, hindi nawawala.' Pero that's a relationship between the teleprompter and the host.”
Pagkatapos ay pinuri niya ang dalagang aktres, “Ang galing niya.”
Sa isang panayam sa 24 Oras, nagpasalamat si Gabbi kay Boy dahil sa ginawa niyang pagko-coach sa kaniya.
Ani Gabbi, "He's such a great teacher and talagang I'm in a very good place to be able to learn from one of the best."
Naging usap-usapan din ang pagho-host ni Alden sa nakaraang Miss Universe Philippines pageant, na naging viral pa dahil sa pasigaw niyang istilo.
Para kay Boy, naiintindihan niya kung bakit tila pasigaw ang pagho-host ni Alden sa naturang beauty paeant.
Paliwanag niya, “Alam n'yo yung criticisms kay Alden na sumisigaw, bumababa, napakahirap no'n kasi when you're on stage, hindi mo talaga naririnig. Lalo na kapag ang monitors are not properly placed on stage, sisigaw ka talaga.
“Plus, mayroon kang notion na that's the way they do it. 'Ladies and gentlemen, the top 20… Vietnam!' 'Di ba, may notion ka. Even as a viewer may peg ka kung paano nila ginagawa 'yun, plus hindi nila naririnig.”
Hindi pa raw niya nako-coach si Alden pero alam niyang handa ang aktor na mas pagbutihin pa ang kanyang hosting.
“When he was doing Battle of the Judges, I would do conversations with Alden. Ano 'yan, napaka-willing [matuto],” sabi ng batikang host.
Dagdag pa niya, “Willing 'yan. He's a very willing student. Ang problema lang, siguro wala pang oras. But I'd like to be able to sit down [with him].”
Sa ngayon, abala si Alden sa pinaka inaabangang GMA Prime series na Pulang Araw.
Bukod kay Gabbi, kabilang din sa mga naging estudyante ni Boy sa pagho-host sina Heart Evangelista, Drew Arellano, Bianca Gonzalez, Mariel Padilla, Toni Gonzaga, at marami pang iba.
Samantala, tingnan dito ang mga naging alaga ni Boy Abunda sa showbiz:












