What's Hot

MUST-READ: Jessa Zaragoza defends daughter from BAILONA bashers

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 10:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News



Pumalag ang Kapuso Diva Jessa Zaragoza sa mga masasakit na salita na binitawan ng mga fans nina Bailey May at Ylona Garcia laban sa kanyang anak. 


By AEDRIANNE ACAR
 

 

#latepost lovely to meet ya @itsmebailey

A photo posted by Jayda Avanzado (@jaydaavanzado) on



Nabalot ng kontrobersya ang post ng anak ni Jessa Zaragoza na si Jayda sa Instagram. Nag-upload kasi ang dalagang anak ni Jessa ng selfie kasama ang Kapamilya cutie na si Bailey May.

LOOK: 9 funniest celebrity moms 

Hindi ito nagustuhan ng mga fans ni Bailey at Ylona Garcia na tinatawag na BAILONA kaya naman sunod-sunod na nagpost ng mga negative comments ang mga ito patungkol kay Jayda.

Mommy to the rescue

Pumalag ang Kapuso Diva Jessa Zaragoza sa mga masasakit na salita na binitawan ng mga fans nina Bailey at Ylona laban sa kanyang anak at agad itong sumagot sa Instagram.

Pinayuhan ng Pepito Manaloto star ang mga supporters ng BAILONA na mag-hinay-hinay sa mga komento nila, lalo na below the belt ang mga ito.

Saad ni Jessa, “Below the belt na mga sinasabi niyo tungkol kay Jayda. May mura pa at kung ano ano pa. Sobra na kayo!”

Nilinaw din ni Jessa na wala pa sa plano ng anak niya ang mag-artista at hindi nito gagamitin si Bailey para makapasok sa showbiz.

Aniya, “Jayda will enter showbizness as a singer. Wala sa plano ang love team love team o pag-aartista for now. Kaya maghunos dili kayo sa pag-aakusa.”