Phi Palmos, Barbie Imperial weigh in on 'nepo babies' in showbiz

GMA Logo Phi Palmos, Barbie Imperial

Photo Inside Page


Photos

Phi Palmos, Barbie Imperial



Napag-uusapan ngayon online ang mga “nepo babies” sa showbiz. Sila ang mga anak ng artista na sumunod na rin sa mga yapak ng kanilang mga magulang at naging bahagi na ng show business.

At dahil may tema ng nepo babies ang upcoming suspense-horror movie na How to Slay a Nepo Baby, tinanong ng GMANetwork.com ang mga bida nitong sina Barbie Imperial at Phi Palmos tungkol sa tila dumadaming nepo babies sa showbiz. Ito ay naganap sa media conference ng pelikula kamakailan.

Para kay Phi, naiintindihan niya ang pagkakaroon ng nepo babies sa industriya dahil, aniya, “Sa Pilipinas kasi, it's our culture wherein we're really close sa family.”

Patuloy niya, “In a way, it's unfair that you're only connection or you're only put hold at the door is your name. At the end of the day, it should be kung ano yung merit mo.

“Ako, okay lang pero may pressure dapat na kailangan patunayan mo ang sarili mo. Kasi, hindi ka na nga nag-talent, e, may role ka na agad or mayroon ka ng posisyon agad.

“So, dapat kailangan i-earn that merit. Para sa akin, ganun lang. Wala akong masyadong, 'Ay, kamag-anak 'yan ni ganito kaya nakapasok 'yan.'”

Sa halip na magtuon ng pansin sa koneksyon ng bagong artista, mas pinapansin din daw ng Widows' War actor kung paano magtrabaho ang isang itinuturing na nepo baby.

Paliwanag niya, “Ako, tinitingnan ko kung kumusta ba yung work niya. At the end of the day, if you do good work, that work will defend you. Ang paniniwala ko po kasi kahit anong mangyari, ipagtatanggol ka ng trabaho mo.

“Kaya ako rin, ang paniniwala ko, you protect your work. Do good work, you protect your work because your work will do that at the end of the day. Kung yung mga nepo babies naman mabuti naman ang pakikitungo nila at yung trabaho nila, okay lang 'yan.”

Diin pa niya sa huli, “Siguro ang pinakaproblema lang kaya nagiging trending ang mga nepo baby is being entitled, di ba? It's not an excuse sa nepo babies, a whole generation is entitled, di ba? Para sa akin, hindi ang pagiging nepo baby ang problema, it's the person, you know.”

Sumang-ayon naman sa kanya ang aktres na si Barbie.

“Totoo naman po kasi, parang kung pinanganak siyang nepo baby, hindi naman din niya kasalanan na anak siyang mayaman.

“I think, for me, mas magma-matter talaga kung anong klase siyang tao. If responsible naman siya and nandun siya sa puwesto na yun at ginagalingan niya naman, okay naman yun, di ba?” pagtatapos niya.

Bukod kina Barbie at Phi, bibida rin sa How to Slay a Nepo Baby sina JC Galano, Charm Aranton, Chaye Mogg, Sue Prado, Naia Ching, Ralph Gomez, Phi Gomez at Coi Suazo. Ang pelikulang ito na idinirehe ni Rod Marmol ay mapanonood sa mga sinehan simula July 31.

Samantala, narito ang ilang mga naggagandahan at naggagwapuhang anak ng mga artista:


Venice Bektas
Ruffa Gutierrez
Thirdy Lacson 
Jodi Sta. Maria
Erika Poturnak
Ina Raymundo
Diego Gutierrez
Celebrity
Angelina Cruz
Instagram celebrity
Andres Muhlach
Parents
Dominique Cojuangco
Social media star
Kotaro Shimizu
Eyes
Wendell Saviour Ramos
Wendell Ramos
Niño Muhlach
Sandro Muhlach
Lorin Gutierrez
Queen
Raechelle Ricketts 
Ronnie and Mariz Ricketts
Claire Castro
Cielo
Kendra Kramer
Beauty queen
Lito Lapid and Michelle Ortega
Ysabel Ortega
Jestoni Alarcon
Angela Alarcon

Around GMA

Around GMA

Filipino teachers face visa delays as US expands social media checks
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust