Barbie Forteza lauded for coming to Herlene Budol's aid during GMA Gala accident

Nakatanggap ng maraming positibong komento ang ginawang pagtulong ng Pulang Araw star na si Barbie Forteza sa kapwa Kapuso actress na si Herlene Budol sa GMA Gala 2024.
Sa event proper ng nasabing star-studded event, isa-isang rumampa sa stage ang ilang Kapuso stars kasama sina Barbie at Herlene suot ang kanilang naggagandahang gala outfits. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, sumubsob si Herlene sa stage sa kalagitnaan ng kaniyang pagrampa.
Habang naka-pose sa harap ng guests, nakita ni Barbie ang nangyari kay Herlene kaya sa kabila ng bigat ng kaniyang suot na ball gown ay agad-agad siyang tumakbo patungo kay Herlene para tulungan ito.
Ang mala-pelikulang eksena na ito ay nakunan on cam at nagba-viral na ngayon sa social media.
@c0rdelia2023 #BarbieForteza #gmagalanight2024 #PulangArawOnNetflix #MSKM #bardaendgame #filay #mariaclaraatibarra #ThatKindOfLoveNowShowing #BarDa #DavidLicauco @David Licauco @Barbie Forteza ♬ original sound - Cordelia
“Napakabait naman talaga ng nag-iisang Barbie Forteza,” reaksyon ng isang netizen.
“Ang cute ng pagtakbo kahit ang hirap dalhin ang dress instinct niya talaga na takbuhin si Herlene,” komento ng isang fan.
Dagdag pa ng isang netizen, “Sobrang bait niyan ni Barbie ang daming nagsasabi kita nman sa mukha nya na mabait talaga siya.”
Sa kabila naman ng nangyaring pagkakadapa, nanatili namang positibo si Herlene.
Sa X, agad na ni-repost ni Herlene ang video ng kaniyang “fell off moment” at nag-iwan ng positive reminder.
“Sa buhay kapag nadapa ka, bumangon ka. Hangga't may buhay, may pag asa. Walang susuko para sa pamilya #GMAGala2024,” post ni Herlene.
Sa buhay kapag na dapa ka, Bumangon ka. Hangga't may buhay, may pag asa. Walang susuko para sa Pamilya.#GMAGala2024 https://t.co/lTMFOqBM4M
-- Herlene Hipon Budol (@herlene_budol) July 20, 2024
Sa hiwalay na post, nagpa-alala rin si Herlene na hindi dapat pinagtatawanan ang mga ganitong pangyayari.
“'Pag nadapa, hindi [dapat] pinagtatawanan. Accident always [happens]! Sa palagay n'yo ba gusto ko madapa? Lahat ng tao nadadapa, naaksidente, ang importante safe at 'di nasugatan,” paalala ni Herlene.
Pag dapa indi pinag tatawanan. Accident always happened! Sa palagay nyo ba gusto ko ma dapa? lahat ng tao nadadapa, naaksidente, Ang importante safe at d nasugatan. #GMAGala2024
-- Herlene Hipon Budol (@herlene_budol) July 20, 2024
Samantala, mapapanood naman si Barbie bilang si Adelina Dela Cruz sa highly-anticipated series na Pulang Araw.
Makakasama ni Barbie sa nasabing serye sina Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards. Kasama rin si Dennis Trillo na gaganap sa kaniyang first kontrabida role.
Panoorin ang teaser ng Pulang Araw:
GMA Gala 2024: The sparkling red-carpet looks of the biggest stars


























































































































































































































































