Miguel Tanfelix, at iba pang bida sa 'Mga Batang Riles,' ipinakilala na!

Opisyal nang ipinakilala si drama-action prince Miguel Tanfelix bilang bida ng upcoming GMA Prime series na 'Mga Batang Riles.'
Sa ginanap na storycon ng bagong serye kagabi, July 18, may patikim na si sa gagampanan niyang karakter.
"Si Kidlat ay isang lalaking ma-prinsipyo, maabilidad, madiskarte, at mapagmahal sa mga kaibigan at pamilya niya. Kaya gagawin niya ang lahat, kung may mangyaring masama 'man sa minamahal niyang tao," panimula ni Miguel.
Kasama ni Miguel sa 'Mga Batang Riles' ay sina Kokoy De Santos, Raheel Bhyria, Bruce Roeland, Antonio Vinzon, at Zephanie.
Mapapanood rin sa 'Mga Batang Riles' sina Diana Zubiri, Desiree Del Valle, Jay Manalo, Mr. Ronnie Rickets, at Ms. Eva Darren.
Kilalanin ang karakter na dapat abangan sa 'Mga Batang Riles' sa mga larawang ito.













