What's Hot

'Dangwa' the finale

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 1, 2020 7:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dingdong Avanzado surprises Jessa Zaragoza with vow renewal on 25th anniversary
Iloilo reaps medals as WVRAA Meet 2026 kicks off
Roofing materials at food packs, hatid ng GMAKF sa mga binagyo sa Brgy. Pagsangahan | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan ang pagtatapos ng 'Dangwa' sa susunod na linggo. Tutok lang araw-araw simula Jan. 25. 


Huwag nang bibitiw dahil sa susunod na linggo na ang HULING LINGGO NG DANGWA!


                                                                                             
Ubos na ang magical roses ng ating Diwata ng Pag-ibig at patapos na ang kanyang misyon. Sa darating na ilang araw ay magaganap ang pag-aalign ng lahat ng mga planeta sa araw. Magdidilim ang paligid sa loob ng ilang minuto at ito na ang panahon na magbubukas ang mundo ni Rosa (JANINE GUTIERREZ). Pero gusto nga ba niyang bumalik?

Habang tumatagal at nakikita ni Lorenzo (ALJUR ABRENICA) ang pagiging malapit nila Baste (MARK HERRAS) at Rosa (JANINE GUTIERREZ)… Lalabas na ang tunay niyang ugali --- marahas at nanakit si Lorenzo at hindi siya papayag na maagaw si Rosa. Mapapaisip si Rosa --- si Lorenzo ba ang nararapat niyang ibigin? O si Baste na best friend niya ?
                                
Obsessed, pipilitin ni Lorenzo si Rosa na magpakasal na sa kanya. Bago pa man mangyari ito, madudukot si Rosa ng mga tauhan ni Veronica, ang nanay ni Lorenzo  (JACKIE LOU BLANCO). Sa isang engkwentro ay malalagay sa alanganin ang buhay ni Baste. 

Sa huli, babalik si Rosa sa lupain ng mga diwata, bitbit ang paniniwalang nakatakda lamang siyang magbigay ng kasiyahan at pag-ibig sa ibang tao. Pero ang hindi niya alam, naghihintay na ang lalaking nakatadhana para sa kanya.
  
Abangan ang kapana-panabik na pagtatapos ng DANGWA ngayong huling linggo ng Enero mula Lunes hanggang Biyernes, 11 AM sa GMA 7 - DANGWA!