
Excited na ba kayo sa pagbabalik ng 'Wowowin,' mga Kapuso? Tutok lang sa GMANetwork.com for updates!
By CHERRY SUN
Matapos mawala sa ere ng isang linggo ay masayang inanunsiyo ng Kapuso network ang pagbabalik ng Sunday variety-game show na 'Wowowin.'
Simula February 1 ay balik-telebisyon muli si Willie Revillame. Ang kanyang programa ay mapapanood na tuwing Lunes hanggang Biyernes, 5:30 P.M., bago mag '24 Oras.'
Makikita rin sa Facebook page ng programa na suot ng Pambansang Bae na si Alden Richards ang bagong 'Wowowin' jacket.
Ang pambansang bae! Alden Richards, naka-Wowowin jacket?Abangan! #Wowowin#WowowinArawArawNa
Posted by Wowowin on Sunday, January 24, 2016
Excited na ba kayo sa pagbabalik ng 'Wowowin,' mga Kapuso? Tutok lang sa GMANetwork.com for updates!