
Take note beauty queen wannabes.
By GIA ALLANA SORIANO
Sa interview ni Ariella Arida sa Tonight with Arnold Clavio, naikuwento ng Miss Universe 2013 3rd runner-up ang "forte" ng current Miss Universe 2015 pagdating sa mga pageants.
Ika niya, "Sabi ko sa sarili ko once makapasok si Pia ng swimsuit, sure na 'yun. Kasi 'yun 'yung forte niya talaga eh, Q&A."
Nasabi rin ng beauty queen kung bakit bihasa si Pia sa Q&A. Aniya, dahil daw sinusulat talaga ni Pia ang mga tanong pag nageensayo sila.
Wika niya, "Nakita ko 'yung journey niya from the start. Hanggang nakuha niya 'yung crown, and from the start talaga sa kanya ko natutunan 'yung magdala ng notebook and pen. At lahat nung mga naririnig na tanong sinusulat niya talaga. So doon ko sa kanya natutunan 'yun."
Video courtesy of GMA News
READ: Naramdaman daw ni Venus Raj na si Pia Wurtzbach ang mananalo sa Miss Universe 2015?