'T.G.I.S.' cast, nag-reunion upang ipagdiwang ang kanilang 29th anniversary

Matapos mag-post ni Pulang Araw star Angelu De Leon ng throwback picture nila ng co-stars sa teen-oriented '90s show na T.G.I.S. para sa 29th anniversary ng kanilang show, nagkaroon naman sila ng isang mini-reunion para ipagdiwang ang kanilang “29 years of friendship".
Nag-post ng ilang litrato si Angelu sa kaniyang Instagram post kung saan makikitang kasama niya sina Bobby Andrews, Ciara Sotto, at Michael John Flores.
Kasama rin nila ang writer ng serye na si Kit Villanueva Zapata at ang dating direktor nila sa teen-oriented show na si Mark Reyes. Naroon din ang asawa ni Kit at direktor ng Pulang Araw na si Direk Dominic Zapata.
Sa caption, binati ni Angelu ang kaniyang co-stars ng “Happy Anniversary.”
“Happy Anniversary guys! Group Hug! Thank you for the surprise cake," sulat niya.
Sinabi rin niyang na-miss nila ang iba pa nilang kasamahan sa serye na sina Rica Peralejo, Bernadette Allyson, Red Sternberg, Raven Villanueva, at Onemig Bondoc.
Tingnan sa gallery na ito ang masayang reunion ng ilan sa cast ng T.G.I.S.:







