Tatak GMA Prime: Mga matitinding eksena sa 'Pulang Araw,' 'Widows' War,' at 'Asawa Ng Asawa Ko'

Mula noon, hanggang ngayon, patuloy na lumilikha ang GMA ng mga dekalibreng drama at teleserye na sumasalamin sa buhay ng mga manonood. Mga kuwentong nagbibigay saya, pag-asa, at inspirasyon sa lahat - ito ang tatak GMA Prime.
Kasabay ng pagbabago ng entertainment sa bansa, mas naging matapang pa ang GMA sa paggawa ng mga seryeng gigising sa pagkamakabayan ng mga Pilipino gaya ng Pulang Araw. Ipinagpatuloy rin ng GMA ang paglikha ng murder mystery drama tulad ng Widows' War. Binago rin ang timpla ng mga nakasanayang soap opera sa pagpapalabas ng seryeng Asawa Ng Asawa Ko.
Sa GMA Prime din napanood ang maraming trending scenes na naging bahagi na rin ng pop culture ng mga Pilipino.
Narito ang ilan sa mga matitinding eksenang pinag-usapan sa GMA Prime shows na Pulang Araw, Widows' War, at Asawa Ng Asawa Ko.















