#GiyeranasaGMA Prime: Mga dapat abangan sa 'Pulang Araw,' 'Widows' War,' at 'Asawa Ng Asawa Ko'

Sa pagsismula ng “Giyera sa GMA Prime,” humanda sa mas umiigting na mga tagpo sa tatlong bigating teleserye na Pulang Araw, Widows' War, at Asawa Ng Asawa Ko.
Simula na ng mas matinding laban para sa bayan at pag-ibig kasama sina Eduardo (Alden Richards), Adelina (Barbie Forteza), Teresita (Sanya Lopez), at Hiroshi (David Licauco) sa Pulang Araw.
Itotodo na ang gantihan ng mga biyuda na sina Sam (Bea Alonzo) at George (Carla Abellana) sa Widows' War.
Walang kakalma sa labanan ng minamahal kasama sina Cristy (Jasmine Curtis-Smith), Jordan (Rayver Cruz), Shaira (Liezel Lopez), at Leon (Joem Bascon) sa Asawa Ng Asawa Ko.
Narito ang mga susunod na mga tagpo sa GMA Prime shows na hindi dapat palagpasin. Simula na ng giyera sa GMA Prime!














