What's Hot

Kris Bernal at Hiro Peralta, nagpasahan ng marshmallow gamit ang kanilang mga labi

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 6, 2020 6:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bicam defers DPWH budget talks, proceeds with other agencies
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News



Isang pre-Valentine game para kay Kris at Hiro ang hinanda ng 'Unang Hirit.'


By BEA RODRIGUEZ

 

Maraming salamat sa pagbisita sa #UnangHirit this morning, @krisbernal at @redrangerhiro!

A photo posted by Unang Hirit (@unanghirit) on


Ideal date ba ang hanap mo? Nagbigay ang Little Nanay stars na sina Kris Bernal at Hiro Peralta ng ideya para sa mga magsyota ngayong nalalapit na ang Araw ng mga Puso. Hinamon sila ng Unang Hirit sa isang “Kilig Marshmallow Challenge.”

READ: Kris Bernal, may Santa Claus noong Pasko? 

Hindi raw nakapagpaalam ang dalawa sa kanilang mga magulang para gawin ang challenge. Saad ng leading lady habang ginagawa ang task, “’Pag trabaho, walang arte eh noh? Wala bang mas mahirap?”

Naisalin kaya ng Kapuso stars ang sampung marshmallows mula sa isang mangkok hanggang sa isa pang lalagyan sa loob ng isang minuto gamit ang kanilang mga labi nang hindi nagkakadikit?


                                                                                    Video courtesy of GMA News

Samantala, natapos naman nila kaagad ang task sa loob ng 56 na segundo. Pabirong sinabi ni Kris na dapat abangan ng mga manonood ang Valentine’s date nila ni Archie. Dagdag ni Hiro, “Abangan nila ‘yung dream sequence at saka ‘yung mga gagawin kong move to hand Chiechie [to] Tinay para magkasama sila na kahit susuwayin ko ‘yung mommy ko which is Ms. Gladys Reyes.”

READ: Kris Bernal at Hiro Peralta, pinangunahan ang isang read-along program para sa kabataan