News
Meet May Ann Basa a.k.a 'Bangus Girl,' from social media sensation to newbie actress

Mula sa pagiging isang tindera ng bangus sa palengke ng Roxas City, bibida na ngayon ang social media sensation na si May Ann Basa o mas kilala bilang "Bangus Girl" sa kanyang kauna-unahang series sa GMA, ang MAKA.
Kabilang si May Ann sa Sparkle stars na bubuo sa inspiring na kuwento ng Gen Z series na MAKA, na mapapanood na ngayong September 21 sa GMA.
Makakasama niya sa teen show sina Zephanie, Dylan Menor, Marco Masa, Ashley Sarmiento, John Clifford, Olive May, Sean Lucas, at Chanty Videla. Makakatrabaho rin niya ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.
Mas kilalanin ang social media star at newbie actress na si May Ann Basa sa gallery na ito:












